Ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program ay ang pinakabagong programa ng pamahalaan kaugnay ng COVID-19 crisis. Ito ay inilunsad noong May 6, 2020 na naglalayong matiyak ang malawak at balanseng pag-unlad ng lahat ng rehiyon sa bansa. Ayon sa inilabas na direktiba ukol dito, ang BP2 ay tutugon sa kawalan ng oportunidad pang-ekonomiya sa mga kanayunan at sa kinakaharap na problema ng mga highly urbanized citiessa bansa.

Ang programa ay pamumunuan ng isang councilna binubuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kasama na ang National Housing Authority bilang secretariat. Bagama’t nakikitang pangmatagalang solusyon sa mga problema sa parehong rural at urban na lugar sa bansa, ito din ay magtataguyod ng agarang suporta para sa mga nais bumalik sa kani-kanilang probinsya habang patuloy ang community quarantine sa National Capital Region at ilan pang bahagi ng bansa. 

Narito ang tatlong kategorya ng mga programang itataguyod sa ilalim ng BP2 Program:

Sa ngayon ay wala pang karagdagang impormasyon sa proseso ng mga programang ito. Maaaring basahin ang Executive Order (No. 114, s. 2020) dito: https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2020/05may/20200506-EO-114-RRD.pdf